RSS

Thursday, February 11, 2010

PILIT NA PAG - IBIG...MALING PAGMAMAHAL

Kung ayaw sayo ng taong mahal mo, mas tamang huwag ng ipilit ang sarili na hindi na masaktan.Kung patuloy na paniniwalaan ang sarili na mamahalin ka rin ng taong mahal mo mas lalong masasaktan ka lamang.Minsan kasi nagiging tanga tayo sa taong mahal natin mas minabubuti na lang ipilit ang pag - ibig kahit na nasasaktan na tayo.

Pero marami ang gustong maging lucky in love. Na kapag nagmahal at may ginusto ay mamahalin at gugustuhin din.

Hindi lahat ay swerte sa pag - ibig. Hindi Maitatatwa, marami ang minamalas sa pag - ibig kahit pa gaano kapa kapursigidong magmahal.

SAWI SA PAG - IBIG

Kung tayo ay sawi sa pag - ibig walang salitang direktang makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman tuwing nasasawi tayo.

Iba kapag BROKEN HEARTED . Hindi ka makakapag isip nang maayos, hindi ka makakagalaw, para bang tumitigil ang mundo mo at nalulunod ka sa hinagpis dahil sa dumugugong puso.

Pero kung iisipin mo, natural na parte lang naman ng buhay ang pakikipagrelasyon ang pagkasawi sa pag - ibig. Bago tayo makipagrelasyon (ihanda na rin ang sarili upang kung nasaktan ka man madali mo na lang tanggapin).At dahil normal dapat nang asahan, o manapa, ihanda ng isang nagmamahal ang kanyang sarili sa sakit na ibibigay nito.

At minsan dahil sa takot na masaktan, may mga taong hindi na nagbabalak pang magmahal. Ni hindi na sinubukang ibukas ang puso sa mga bagong manliligaw, kasi natatakot ng masaktan ulit.

Pero kahit gaano man kasakit ang mabigo sa pag - ibig hindi rin naman matatawaran ang ligayang nararamdaman ng isang tao.